Isa ka sa mga idolo ko nung bata pa Ako. Pag sinabi ni Nanay at Tatay "pupunta tayu kila ate Mei" ibang kagalakan ang nadarama ko. Naaalala ko nung panahon na dadaan kayu sa Lope ni Tito Boy July Pablo na naka-motor lang para dalawin si Tatay. Naaalala ko nung time na "inampon" nio ko para mag- review sa bahay nio para sa board exams ko. Naaalala ko ang trip natin sa ilocos na inip na inip na tayung lahat pero dinadaan mo na lng sa biro at pagpapatawa. Maraming magandang pangyayari ang naaalala ko mula pagka-bata hanggang ngayun na nandyan kayu lagi para sa aming magka-Kapatid. Mahal ka namin ate Mei.
Di ka nmin malilimutan. Iyakap mo kami kila Nanay at Tatay at sa lahat nang mga mahal natin sa kabilang Buhay❤️
#aTributeToAteMei
Myrna Pablo
* 02.10.1950
† 01.01.2025
Verabschiedung: 18.01.2025
Uhrzeit: 11:00 Uhr
Ort: Feuerhalle Simmering, Raum 2